
“Nindot siya na game kay palaro players man akong teammates,”
“Playing hard, teamwork, and communication lang ang kailangan para mo daog”
Mga salita na nagbibigay lakas sa kanilang team, mga salitang nagbibigay inspirasyon sa kanila para lumaban at manalo, mga salitang galing sa captain ball ng Eastern Visayas State University Ormoc, qualifier ng Palarong pambasa, at hasang-hasa sa larangan ng Sepak Takraw.
Alemar Malinao, ang nagbahagi ng kanilang skereto sa daang tagumpay, nagbigay lakas sa kanyang team para manalo.
Si Malinao ay isang first year college students sa Eastern Visayas State University Ormoc. Nagsimula siyang magkagusto at maglaro ng isport na sepak takraw noong nasa ika-siyam na baitang siya.
Hindi siya naglalaro sa kung ano man inuutos o sinasabi sa kanya kundi naglalaro siya dahil alam niyang mahal niya ang isports na ito at alam niyang makakatulong ito sa sarili niya.

Sa buong buhay niya nakikipaglaro at nakikipagsabayan lamang siya sa mga manlalarong mas matanda pa sa kanya dahil nga mahal niya ito at ito ang kanyang gusto. ito na rin kasi ang naging daan niya tungo sa pag-abot niya ng kanyang pangarap at sa buhay na di niya inaasahan.
Naging parte na rin siya ng EVSU Ormoc takraw team na naging susi para maging qualifier siya sa palarong pambansa 2017.
Napatunayan lang ni Alemar Malinao na pagmahal mo ang isang bagay di mo ito susukuan dahil minsan ito ang nagiging daan sa pag-abot natin ng minimithi nating pangarap.

WALANG NAGPAPADAIG. EVSU Ormoc nanatiling kalmado sa pagsisimulang ng sepak takraw mens regu exhibition game habang Ormoc EVRAA na-iinit na parang bulkan. /Larawang kuha: Randel Capambi