INFOO
RSPC Infographics: By the numbers

Montano: pagiging isang SPA

https://web.facebook.com/queeneetisha.delacruz/videos/2232063310452298/

Isang Mini Press Conference ang isinagawa hinggil sa pang grupong kumpetisyon sa ikalawang araw ng Regional Schools Press Conference sa Superdome ng Ormoc City, Desyembre 18.

Sinagot ni Cesar Montano isang School Paper Adviser (SPA) ng Javier National High School ang mga tanong ng mga mamamahayag patungkol sa kaniyang pagiging SPA sa mahigit 20 taon, bilang resource person ng nasabing aktibidad.

“Ang isang mamamahayag ay dapat mamahayag ng tama para maging mamamahayag at dapat iinculcate sa kanya ang values to write the truth and nothing but the truth,” pangatwiran ni Montano.

Binigyang diin rin niya na may oras ang lahat ng tao kaya hindi dapat mabigo o madismaya kung hindi manalo sa isang kumpetisyon.

Nagbigay rin siya ng payo sa isang mamamahayag na si Niel Mitch Camposano ng Naval University tungkol sa kaniyang nararanasang kabiguan sa kaniyang buhay.

Ang Mini Press Conference na ito ay dinaluhan ng Radio Broadcasting Filipino at English, Collaborative Desktop Publishing Filipino at English, at Online Publishing Filipino at English galing sa 13 divisions.

 

Write the truth and nothing but the truth, SPA

“Para maging mabuting mamamahayag dapat sabihin mo kung ano ang totoo”.

Ito ang pahayag ni Cesar Montano isang tanyag na school paper adviser (SPA) ng Pilipinas patungkol sa katangiang dapat taglayin ng isang mamamahayag, sa isinagawang Mini Press Conference sa Superdome, Ormoc City, Disyembre 18.

Sinagot ni Montano ang mga katanungan ng mga pampaaralang mamamahayag patungkol sa kaniyang pagiging isang SPA sa mahigit 20 taon sa harap ng mga kalahok sa pang grupong kategorya.

“I learned through reading books, attending seminars, pakikipagkaibigan sa mga beterano, and from that I learned to learn that in the long run I was able to do somethig na manalo yung mga bata ko,” ani ni Montano tungkol sa kaniyang aral na natutunan sa pagiging isang SPA.

Binigyang diin rin niya na ang isang mamamahayag ay dapat mamahayag ng tama para maging isang tunay na mamamahayag.

“Relax lang, you have your time, lahat ng tao mayroong oras para sa kaniya. Disappointments? Okay ‘yan, it adds color of being a student writer,” ito ang naging payo ni Montano kay Niel Mitch Camposano ng Naval University sa ilang kabiguang kaniyang nararanasan sa buhay.

Ibinahagi rin niya ang kaniyang estilo sa paghawak sa kaniyang mga mamamahayag,na ipinagtatanggol niya sila ngunit pinagagalitan pag hindi nananalo sa kumpetisyon.