https://web.facebook.com/queeneetisha.delacruz/videos/2232063310452298/
Isang Mini Press Conference ang isinagawa hinggil sa pang grupong kumpetisyon sa ikalawang araw ng Regional Schools Press Conference sa Superdome ng Ormoc City, Desyembre 18.
Sinagot ni Cesar Montano isang School Paper Adviser (SPA) ng Javier National High School ang mga tanong ng mga mamamahayag patungkol sa kaniyang pagiging SPA sa mahigit 20 taon, bilang resource person ng nasabing aktibidad.
“Ang isang mamamahayag ay dapat mamahayag ng tama para maging mamamahayag at dapat iinculcate sa kanya ang values to write the truth and nothing but the truth,” pangatwiran ni Montano.
Binigyang diin rin niya na may oras ang lahat ng tao kaya hindi dapat mabigo o madismaya kung hindi manalo sa isang kumpetisyon.
Nagbigay rin siya ng payo sa isang mamamahayag na si Niel Mitch Camposano ng Naval University tungkol sa kaniyang nararanasang kabiguan sa kaniyang buhay.
Ang Mini Press Conference na ito ay dinaluhan ng Radio Broadcasting Filipino at English, Collaborative Desktop Publishing Filipino at English, at Online Publishing Filipino at English galing sa 13 divisions.