Alemar Malinao: Bida ng sariling pangarap

IMG_1310
HARI NG SEPAK TAKRAW. Alemar Malinao ibinahagi ang sekreto nila upang makamit ang tagumpay sa naganap na Sepak takraw Mens Regu Exhibition Game. /Larawang kuha: Randel Capambi

 “Nindot siya na game kay palaro players man akong teammates,”

“Playing hard, teamwork, and communication lang ang kailangan para mo daog”

Mga salita na nagbibigay lakas sa kanilang team, mga salitang nagbibigay inspirasyon sa kanila para lumaban at manalo, mga salitang galing sa captain ball ng Eastern Visayas State University Ormoc, qualifier ng Palarong pambasa, at hasang-hasa sa larangan ng Sepak Takraw.

Alemar Malinao, ang nagbahagi ng kanilang skereto sa daang tagumpay, nagbigay lakas sa kanyang team para manalo.

Si Malinao ay isang first year college students sa Eastern Visayas State University Ormoc. Nagsimula siyang magkagusto at maglaro ng isport na sepak takraw noong nasa ika-siyam na baitang siya.

Hindi siya naglalaro sa kung ano man inuutos o sinasabi sa kanya kundi naglalaro siya dahil alam niyang mahal niya ang isports na ito at alam niyang makakatulong ito sa sarili niya.

IMG_1320.JPG
PARA SA PANGARAP. Nagpakita ng buong determinasiyon si Malinao alang-alang sa kanya parangarap. /Larawang kuha: Randel Capambi

Sa buong buhay niya nakikipaglaro at nakikipagsabayan lamang siya sa mga manlalarong mas matanda pa sa kanya dahil nga mahal niya ito at ito ang kanyang gusto. ito na rin kasi ang naging daan niya tungo sa pag-abot niya ng kanyang pangarap at sa buhay na di niya inaasahan.

Naging parte na rin siya ng EVSU Ormoc takraw team na naging susi para maging qualifier siya sa palarong pambansa 2017.

Napatunayan lang ni Alemar Malinao na pagmahal mo ang isang bagay di mo ito susukuan dahil minsan ito ang nagiging daan sa pag-abot natin ng minimithi nating pangarap.

IMG_1304.JPG
NAPATUNAYAN KO. Napatunayan ni Malinao na pagmahal mo ang isang bagay pagsisikapan mong maging daan ito tungo sa pag-abot ng pangarap. /Larawang kuha: Randel Capmbi

 

 

 

 

Modernisasyong Mali ang Aksyon

Parehong nakalulungkot at mapagparangya ang napapansin nating pagkamatay ng print media sa kasalukuyan. Ang iba’t ibang uri ng print media ay tumutukoy sa mga publikasyong papel na lumalaganap sa buong mundo sa anyo ng mga libro, magasin, journals at dyaryo na matagal nang nakatutulong sa karamihan upang mahubog ang mga isipan. Mula pa noong unang panahon ay nakapagbibigay ito ng aliw sa mga mambabasa at naging dibersyon ito ng mga tao. Sa mga kabutihang dulot nito, mayroon nga bang kabutihang dala ang pagkawala din nito?

Mula pa ng pagkabata ay patuloy akong sumusubaybay sa mga bagong artikulong darating sa pintuan ng aming halili, ngunit hindi maipagkakailang habang lumilipas ang panahon ay unti-unting nababalot ng teknolohiya ang ating mundo. Ang bangong nalalanghap sa bawat pahina ng mga nobela, ngayon ay tanging mga mata na lang ang makikinabang. Mga dyaryong dating ipinapares sa almusal ay matatagpuan na lamang sa mga basurang kinakalakal. Sa henerasyong ito na nahuhumaling na sa teknolohiya, hindi na bago sa mga tainga ang mga katagang:

“Print Media is dying.”

print-vs-online.jpg
Print media vs. Social media. Photo credits: Ku Campus wordpress.com

Ngunit sa kabutihang palad, masasabing nakatutulong din naman sa mga mamamayan ang social media, hindi maipagkakailang mas madaling matuntunan at malapitan ang mg letrang lumilitaw sa isang pindot lamang. Sa bawat katanungang dumarating, limang minuto lang ay ito’y kayang sagutin. Ng dahil sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya ay naging mabilis na rin ang paghahatid ng balita. Ang social media ay readily available at mas malawak ang saklaw ng kaniyang mga kaluluwang nahihipo kaya’t sa mga milenyong katulad ko ay malaki ang pakinabang nito.

Sa halip na maging positibo ang epekto ng pagsulong nitong bagong paraan ng pagpapahayag ay nagkakaroon ito ng lamat dahil sa lumalaganap na mga “fake news” na nagiging ugat ng iba’t ibang tunggalian sa bawat sambayanan o mamamayan. Dahil sa mabilisang paraan ng paghahatid ng balita ay nagkaroon din ng pagkakataon ang ibang impormasyong hindi naghahatid ng kabutihan upang mabilisan ding lumaganap at pumasook sa isipan ng bawat isa.

Ang bansang ginagalawan ng social media na hindi na nangangailangan ng beripikasyon upang maipahayag ay nagiging sanhi ng kapahamakan. Hindi naman dapat  ganito ang naging epekto kung may tamang disiplina ang mga tao. Ika nga sa ingles “think before you click,” ito ang dapat isipin ng lahat ng taong nais palitan ang print media at pumasok sa social media. Sa pagkamatay ng matapat at maaasahang pahayagan ay lumitaw naman ang panibagong paraan na walang kasiguraduhan. Hahayaan nalang ba natin na mangibabaw ang mapagpanggap na anyong ito?

Lakas ng Bukas

images (2)
PANAHON. Ang bukas ay hindi na magiging nakaraan, at ang nakaraan ay wala nang kasalukuyan. Photo by: K.Reyes

” Anak, naririnig mo ba si mama? Huwag kang mag alala ha? Sasamahan kita. “

Kapag ika’y lumaki katulad ko, hindi kita hahayaang manatili sa isang madilim na sulok at magkulong sa mga pangarap na sana’y aabutin mo.

Sana hindi mo makuha ang pagiging mahiyain ko. Makihalubilo ka sa ibang tao, makipagkaibigan ka sa mga kaklase mo. Walang masamang magtiwala sa kanila anak, mas mabuti nga upang may mga balikat kang maiiyakan at mga taengang makukwentuhan, kapag ako’y wala na dito.

Anak, sasabihin ko saiyo, hindi rason ang pagiging mahirap upang tayo’y manatiling nasa ibaba. Yakapin mo ang mga magagandang bagay sa mundo anak, huwag mong isipin ang ibang tao. Maging masaya ka , at gawin mo ang mga bagay na mahal mo.

Huwag kang tumulad sa akin na pinarusahan, pinagkaitan, at iniwan ko ang sarili ko sapagkat hindi ko maintindihan kung ano ba ang rason kung bakit ako nandito. Anak makinig ka, huwag kang gumaya sa Nanay mo, ha? Lumaban ka. Magpakatotoo ka!

images (3)
PAGMAMAHAL. At sa huli, ikaw at ako parin ang haharap sa bukas. Photo by: Q.DelaCruz

Hayaan mo ang mga taong humusga sa buong pagkatao mo, basta ang mahalaga, alam mo sa sarili mo na hindi ikaw ang mga binibintang sa iyo. Lahat ng mga naririnig mo’y ipasok sa isang taenga, at ilabas sa kabila!

Matuto kang iwan ang mga nakaraan, at taas-noong ilaban ang iyong karapatan. Huwag mong hayaang ipagkait ang kalayaan na para sa iyo.

Huwag kang magpapagod ha? Gusto ko, kapag nakakaramdam kana ng pagod, huminto ka, manalangin ka, tulad ng itinuturo ko sayo. Huwag mong ipagkait sa sarili mo ang pahinga. Dapat matuto ka kung paano maging masaya. (Read more : Labanan ang stress )

Sa unti-unting pagbabago ng mundo, sasabihin ko sayo, huwag mong ilulong sa mga makabagong kagamitan ang sarili mo. Maglakad-lakad ka, maglaro ka, hayaan mong makaranas ang sarili mo ng magandang kabataan.

Kapag umabot sa punto na umibig ka, magsabi ka sa akin ha? Huwag kang mahihiya, sapagkat alam ko ang iyong pinagdaraanan. Lahat ng mga nangyayari, pangloloko, at mga masasakit na damdamin na ipinadadama niya, sabihin mo sa akin ha? Hindi naman ako magagalit, mas mamahalin at maiintindihan kita.

Tayo ang magkaramay dito anak. Tandaan mo iyan ha? Sa mga oras na kailangan mo ng kausap, nandito lang ako. Nandiyan lang ang mga kaibigan mo.

Sa lahat ng pag-iyak mo, at sa mga problemang gumugulo sa isipan mo, matuto kang humingi ng tulong sa paligid mo, tandaan mo, lahat tayo may problema, iba-iba lang talaga.

Ayokong mangyari sayo ang nangyari sa akin. Lahat ng mga pasa, mga sugat, at mga hiwa’y hindi mo dapat maangkin, dahil isa kang anghel na binigay ng Panginoon para sa amin.

“Anak, kung baka sakali na ika’y pinanghihinaan ng loob, ako ang magsisilbing lakas mo.”

EVSU Ormoc , kumikig sa Ormoc EVRAA, 2-1

IMG_1315.JPGWALANG NAGPAPADAIG. EVSU Ormoc nanatiling kalmado sa pagsisimulang ng sepak takraw mens regu exhibition game habang Ormoc EVRAA na-iinit na parang bulkan. /Larawang kuha: Randel Capambi

   “Lamang ang may malayong karanasan”

Sumisigasing na ipinlasap ng EVSU Ormoc team ang kanilang mababagsik na opensa at depensa upang tumaob ang Ormoc EVRAA sa iskor na 21-9, 21-12 (2,0) sa naganap na Sepak Takraw Mens Regu exhibition game sa EVSU Ormoc gymnasium, Disyembre 18, 2018.

Naabot at nakamkam ng EVSU (Eastern Visayas State UNiversity) Ormoc na sina Alemar Malinao, Aljun Tumampo, Archie Terena na pare-parehong manlalaro ng EVRAA at Palarong Pambansa sa iba’t ibang taon.

Habang ngiting mula sa puso naman ang maiuuwi ng Ormoc EVRAA players na sina Jayboy Pangaling, Joey Pornel, at Kynmer Dawat na ganoon din manlalaro ng EVRAA at Palarong Pambansa sa iba’t ibang taon.

IMG_1322.JPG
LUMALABAN PERO HINDI PAPATALO. ang dalawang team na nagpapakita ng pagnanasa sa laro na makamkam ang tagumpay. /Larawang kuha: Randel Capambi

Asintadong ipinasok ng 19 taon na si Archie Terena server ng team EVSU Ormoc ang mababagsik niyang serv sa kalaban dahilan upang magkaroon ng fault point at makopo ang torneyo.

    “Excited, willing to win at kung matatalo man kami tatanggapin, kung manalo okay lang” buong puso at determinadong paninindigan ni Terena.

Nagpasiklab ng mga buwis buhay na atake ang spiker ng EVSU Ormoc na si Malinao para ibaon sa lupa ang kalaban sa iskor na 21-9.

Hindi alintana ng Ormoc EVRAA ang kamay na bakal ng EVSU Ormoc kaya’t nagpupumiglas silang makawala at itayo ang bandera para harapin ang mala-halimaw nilang kalaban.

PAGKAKAISA ANG PARAAN. Teamwork ang naging panlaban ng isa’t-sa upang makamit ang gintong panalo. /Larawang kuha: Randel Capambi

Bigay-kaya na ang Ormoc EVRAA lalo na ang captain ball nilang si Joey Pornel na 5’1 ang tangkad at ang feeder sa kanilang team.

Ngunit mabilis pa sa kidlat ang mga mapinsalang depensa ng EVSU Ormoc, kung kaya’t ganoon nalang kadali sa kanila ang wasakin ang kabilang team sa iskor na 21-12, (2,0).

  “Thankful kay nakadaog niyanag enjoy sad mi, nag expect man pud mi na mao ni ang outcome” pagmamalaki ni Terena.

“Training niya mag adjust mi sa mga techniques nila” pagpapaliwang ni Tumampo sa naging diskarte nila.

Natapos ang laro na parehong masaya ang dalawang team.

 

Rehabilitasyon ng Kasaysayan

“I want no prisoners,” he said. “I wish you to kill and burn; the more you kill and burn the better it will please me.” –General Jacob Smith, beterano noong Balangiga Massacre

Malaking pagwawakas sa isa sa mga madidilim na pahina ng kasaysayan ng bansa ang naganap matapos ang 117 taon. Dahil sa pagpupursige ni Pangulong Rodrigo Duterte, muling naiuwi sa bansa ang Balangiga bells na kinuha ng mga Amerikano bilang war booty noong nangyari ang madunong digmaan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika noong 1901. Ang pagbabalik nito sa kamay ng mga Pilipino ay may napakalawak na kahulugan na ating dapat pahalagahan.

Ang opisyal na hand-over ni United States Deputy Chief Mission John Law ng Transfer Certificate ng Balangiga bells kay Defense Secretary Delfin Lorenzana at sa mga lokal na opisyal ng Balangiga, Eastern Samar, ay personal na sinaksihan ni Pangulong Duterte. Personal na sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang opisyal na hand-over ng Transfer Certificate ng mga Balangiga Bell sa mga lokal na opisyal ng Balangiga sa Eastern Samar.

IMG_WASHINGTON_DC-PH-EMBASSY.jpg
US Gov’t to return Balangiga bells to the Philippines. Photo Credits: UNTV News | UNTV News
Tunay na madamdamin ang araw na pagbabalik ng tatlong kampana dahil lumipas na ang matagal na paghihintay at halos mawalan ng pag-asa na maibalik ito sa kaniyang kinabibilangan, sa kasalukuyan ay naaksyonan. Ito ay naging malaking parte ng kasaysayan at relihiyosong pamana na bulto ng bayang patrimonya.

Ang pagbabalik ng mga kampana ay paghihilom na rin ng sugat bunga ng nasabing gyera, at inaasahan ang lalong pagtatag ng relasyon ng dalawang bansa na matagal nang magkaalyado. Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ito’y nararapat na magsilbing pag-alala sa kabayanihan, kagitingan at pagiging makabayan ng mga Pilipino. At kahit anumang kaganapang naging parte na ng kasaysayan ay dapat na ipabatid sa buong mundo at ipakitang hindi magpapadaig ang bawat Pilipino sa alinmang bansa at pilit na ipaglalaban ang kalayaan hangga’t kaya pang lumaban.

Liham ng Pagsuko

images (1)
PAGHAHANAP. Sa huling sandali ng buhay, pagmamahal lang ang nais na kulay. Photo by: Q.DelaCruz

Sa mga matang pagod, at mga pusong sugatan. Humihingi ng tulong, ngunit ayaw pakinggan.

Hindi naman mali na ibigay sa sarili ko ang kaginhawaan na ninanais nito. Wala namang masama kung kaligayahan ko naman ang yakapin ng mundo. Alam kong mas makabubuti ito, dahil sa huli, ayos lang kung ako parin ang agrabyado, basta hindi lang kayo ang maipit sa kamalasan ko.

Nakikita niyo ba? Ang mga kamay kong puno ng dugo, pasensya na, ako’y nagbabakasakaling mapansin at bigyang aruga.

Ma, suot ko po iyong pulang bistida na binili niyo noong kaarawan ko. Pasensya na, hindi na ako nakapagpasalamat sa iyo. Sabi mo kasi may inaasikaso kang mahalagang bagay sa opisina niyo, kaya hindi na kita inisturbo. Maganda di ba? Binili mo iyon eh!

Nakakahiya naman po sayo Pa, sa mga oras na ito, nandoon ka sana sa labas, pinapanatili ang katahimikan ng isang bayan. Alam kong masaya ka sa trabaho mong pagsilbihan ang ating bansa. Minsan ka lang umuwi sa bahay, ngunit alam mo Pa, mahal kita. Pasensya na, nabigyan pa kita ng sakit sa ulo.

Huwag niyo na pong piliting hanapin ang pulso ng isang batang matagal ng walang buhay, matagal ng sumuko sa buhay. Hindi niyo po kasalanan ito, sadyang nahihirapan lang ang puso kong kargahin ang lahat ng mga bagay sa paligid ko. Miss ko na kayo Ma, Pa. Sana bumalik nalang ulit tayo katulad noon.

Kung ayos lang po, kayo nalang ang magpasa sa mga takdang aralin at mga proyektong ginawa ko. Sinadya ko talaga na huli ko nang ipapasa, kasi natatakot akong hindi nanaman tanggapin. Minsan kasi, wala na akong mukhang naihaharap sa mga guro ko dahil sa mga kapalpakan ko. Ma, Pa, pasensya na, mas nakatuon ang aking pansin sa mga bagay sa aming paaralan. Nahihiya kasi ako sa inyo kung hindi ako iyong manguna sa klase namin. Di ba, sabi niyo kailangan maging magaling ako? ( Read more : Depresyon )

Ang nais ko lang po ay maging masaya kayo, kahit na wala na ako. Alam kong naging makasarili ako, at sana’y maintindihan niyo, na hindi kayo ang nagkulang. Walang may kasalanan. Nais ko sanang makasama kayo hanggang sa pagtanda, ngunit alam kong magkikita-kita tayo, di ba? Mas maaga lamang ang pag lisan ko.

Salamat, dahil hanggang sa huli, hindi niyo ako sinukuan. Narito kayo, niyayakap ako kahit na nanglalamig na. Sana noon pa ay naramdaman ko na ang init ng mga yakap at halik niyo.

Sana kasamo ko pa kayo. Sana ako nalang ang gumawa ng paraan para sama-sama tayo. Ngunit naging duwag ako. Hindi ako kasing tapang niyo.

Sa huling talata ng liham ko, sana maramdaman niyo ang presensya ng mumunti niyong pangarap. Kahit sa maiksi at hindi pwrpektong panahon, nakasama ko kayo. Hanggang sa muli. Nagmamahal, ang batang pinagkaitan ng tadhana.